PANATA SA PAGBABAGO
June 30, 2010
Presidential Inauguration
Pilipino ako!
Namamanata na tutulong ako sa aking pamunuan.
Sa pagtaguyod ng marangal na pamahalaan.
Sa pagpapalakas ng isang lipunang makatarungan, at sa pagpapatingkad ng ating demokrasya, upang guminhawa ang pinakamamamahal nating bayang Pilipinas.
Gagampanan ko ang lahat ng katungkulan ng isang mabuting mamamayan. Na kasingtindi ng paghamon ko sa ating mga pinuno na sumunod sa landas na matuwid.
Makikipag-kapitbisig ako sa aking kapwa Pilipino. Sama-sama nating babaguhin ang takbo ng kasaysayan upang umiral ang kagandahang-loob.
Ipinangangako ko ito sa ngalan ng aking mga ninuno at mga apo.